396
Video ng 16-anyos na nambugbog sa CR viral
By

Video ng 16-anyos na nambugbog sa CR viral

Trending ngayon ang isang 16-anyos na babae matapos kumalat ang video nitong nananapak sa 13-anyos na umano’y kabit ng nobyo nito sa isang banyo.

Top 3 trending na rin ngayon, Agosto 26, sa Youtube Philippines ang part 7 ng video ng brodkaster na si Raffy Tulfo ukol sa nasabing batang mula sa Pampanga.

Nabatid ni Tulfo na makailang beses nang nambubugbog, at nakagamit na rin ng iligal na droga ang 16-anyos kasama ang barkada nito. Modus umano nila ang maghanap ng mabibiktima sa social media upang abusuhin.

Ayon sa pinakahuling update ni Tulfo, binalita nitong malapit na umanong makausap ng awtoridad sa Pampanga ang 16-anyos at ang barkada nito. Sa ngayon, nasa kustodiya na ng CSWD Pampanga ang menor de edad na babae.

Umani ng samu’t saring batikos ang 16-anyos at barkada nito sa iba’t ibang social media platform.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?