33

Jun 30, 2020 @ 16:35
By

Vico Sotto certified Ginebra fan!

Si Pasig City Mayor Vico Sotto na marahil ang isa sa pinakasikat na ka-Barangay ng mga Ginebra fan.

Ito’y napansin ng mga loyal ‘NSD’ fan matapos na mag-post si Vico ng larawan kung saan nakasuot siya ng Ginebra championship shirt habang nasa site visit.

Bukod pa dito, ginamit din ni Vico ang pamosong mantra ng Ginebra na #NeverSayDie.

Sa panayam sa Quarantined w/ Howie Severino nilantad ni Vico na isa siyang Ginebra fan, ito’y kahit pa sa karibal na Purefoods naglalaro ang kanyang bayaw na si Marc Pingris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?