30,283

By

Vico Sotto ayaw sa Duterte fist bump

Tumanggi si Pasig City Mayor Vico Sotto na gawin ang signature fist bump ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay ito sa binahaging litrato ng netizen na si Ray Abad.

Sa larawan makikita ang ilang kasama ni Sotto na sina Senador Bong Go, Department of Transportation Sec. Arthur Tugade, Department of Environment and Natural Resources Sec. Roy Cimatu, Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica at Manila Mayor Isko Moreno na mga naka-fist bump.

Pero ang nasa likuran ni Go na si Sotto ay hindi nakisali sa pagpi-fist bump.

Komento tuloy ng mga netizen, walang kinatatakutan si Sotto.

“Two shining mayors of Metro Manila…… Vico Sotto & Isko Moreno. Patriotic mayor of Pasig refused to a bump fist, not scared at all. Moreno is a real DDS….” sabi sa post ni Abad

“Very good Vico keep it up !!!” reaksyon ni Ruben Wilwayco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?