264

Apr 1, 2020 @ 19:10
By

Vico pinag-iinitan, paano ‘yung nagkalat ng virus? – Angelica Panganiban

Kinuwestiyon ni Angelica Panganiban ang paghingi ng paliwanag ng National Bureau of Investigation Anti-Graft Division kay Pasig City Mayor Vico Sotto kung bakit hindi dapat panagutin sa posibleng paglabag sa “Bayanihan to Heal as One Act”.

Kaugnay ito sa pagpayag ng alkalde sa mga tricycle driver na bumiyahe kahit pa may transportation ban dahil sa enhanced community quarantine sa Luzon kontra COVID-19.

Anang aktres, bakit kung sino pa raw ang nakakatulong ay siya pa ang kakasuhan habang ang nagkalat ng virus sa Makati Medical Center ay hindi.

Pinatutungkulan ng aktres si Senador Koko Pimentel na lumabag sa quarantine dahil sa kabila na person under investigation sa COVID-19 ay sinamahan pa ang kanyang asawa sa ospital. Habang nasa ospital ay nalaman namang positibo pala siya sa virus.

“Wala silang mapag initan. Si mayor vico talaga? Kung sino pa may natutulong at maayos na sistema, siya pa kakasuhan? HANEP! Eh nasan na yung nagkalat ng virus sa makati med? So far kasi yun palang nagagawa niya. Ikalat ang virus. Mapapamura ka na lang pala talaga,” tweet ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?