628

Mar 25, 2020 @ 22:07
By

Vicky Morales trending, Koko bugbog sa mga netizen

Trending ngayon sa social media ang di maitagong pagkadismaya ni newscaster Vicky Morales hinggil sa naging kapabayaan umano ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel.

Nito lamang kasing Miyerkules ay pumutok ang balitang ‘irresponsible at reckless’ ang tinuran ni

Pimentel nang samahan niya ang kanyang buntis na asawa sa Makati Medical Center gayong batid niyang siya ay person under investigation (PUI) na at kalaunan ay nagpositibo na rin sa Covid-19.

Patok naman ngayon sa social media ang tila paghihimutok ng TV host na si Morales laban sa senador habang aktuwal na kinakapanayam sa ere ang isang doctor sa kanilang programa.

“Doc, medyo nakakagalit, nakakalungkot itong nangyare sa hanay ng mga health worker sa Makati Medical Center. I can just imagine siguro umuusok yung mga chat group ng mga doktor sa mga sandaling ito,” saad ni Vicky sa interview nito sa isang doctor ng Makati Medical Center.

Relate naman ang mga netizen at tila naging ‘frontliner’ ng mga basher si Vicky dahil sa matapang at tila transparent nitong pamamahayag.

@ronnelmisagal: “Vicky Morales represents the frustration of every Filipinos about Koko Pimentel right now.”

@crapinellaaa: “The frustration of Vicky Morales is evident. Vicky Morales is all of us rn. Koko Pimentel use your koKOmmon sense. My gaahddd”

@dorkyeonnie: “We should also give credits to Miss Vicky Morales, we can clearly see her frustration towards the dumbness of Koko Pimentel. We STAN GMA NEWS ANCHORS”

Ilan lamang iyan sa naging banat at di mapigilang saloobin ng mga netizen.

Pang-unawa naman ang hirit ni Pimentel at excited lamang aniya siyang maging ama kaya sinamahan niya ang buntis na asawa.

“Humihingi na lang po siguro ako ng understanding. Siyempre kahit sino namang tao, ama ay magiging excited.”

Si Senator Pimentel ang ikalawang senador na nagpositibo sa COVID-19 kasunod ni Sen. Juan Miguel `Migz’ Zubiri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?