71
Vice mayor ng Marawi, dinakip sa kasong rebelyon
By

Vice mayor ng Marawi, dinakip sa kasong rebelyon

Inaresto si Marawi City Vice Mayor Arafat Salic dahil sa kasong rebelyon nitong Miyerkoles ng umaga.

Matapos arestuhin sa Marawi City Hall ay isinailalim umano si Salic sa custodial debriefing at medical check-up.

Kasalukuyan na umano siyang nasa kustodiya ng pulisya.

Samantala, wala pang inilalabas na detalye tungkol sa kaso nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?