48

By

Vice Mayor, 5 konsehal kinasuhan dahil sa pag-absent sa sesyon

Nahaharap sa kasong administratibo ang anim na miyembro ng Iloilo City Council matapos hindi dumalo sa regular session noong Abril 23.

Ayon sa kalaban nilang kampo, sinadya umano ito nina Vice Mayor Jeffrey Ganzon, Councilors Ely Estante Jr., Lady Julie Grace Baronda, Jose Efrain Treñas, Leila Luntao at Ma. Irene Ong.

Sinampahan sila ng kaso sa Office of the President (OP) dahil sa “dereliction of duty as public official that resulted in the prejudice of the people’s general welfare.”

Pinasusumite naman ng OP ng tugon ang anim na opisyal sa loob ng 15 araw mula sa receipt ng complaint.

Tatalakayin sana sa sesyon noong Abril 23 ang rekomendasyon ng city government sa pagdedeklara ng state of calamity dahil sa water shortage.

Mga kaalyado umano ni Mayor Jerry Treñas ang anim na local official habang ang recommendation to declare a state of calamity ay mula kay dating mayor Jose Espinosa III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?