63

By

Vice, Ion nagkaiyakan matapos mag-‘I love you’ sa isa’t isa

Biglang na lang naluha ang napapabalitang magdyowa na sina Vice Ganda at Ion Perez sa episode ngayong Biyernes ng “It’s Showtime”.

Nangyari ang emotional moment sa Mr. Q&A contest ng noontime show.

Inasar si Ion nina Anne Curtis at Vhong Navarro dahil para itong galit kapag nagsalita.

Kaya sinabihan siyang magpa-sample kung paano siya magsasabi ng “I love you” kay Vice.

Kinilig si Ion nang sabihan siya ni Vice ng “Love you” pero maya-maya ay naiyak ito.

Inasar siya ni Vice pero maging si Vice ay naluha na rin.

Panoorin dito ang eksena:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?