162

By

Vice Ganda nagbigay ngiti sa mga biktima ng bagyo sa Oriental Mindoro

Naghatid ng saya si Vice Ganda sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Tisoy sa Oriental Mindoro.

Binahagi sa Instagram ni Vice ang naging pagdalaw niya sa nabanggit na lalawigan noong Biyernes.

Kinantahan niya ang mga ito ng “Star ng Pasko”.

“May kapangyarihan ang NGITI. Sa simpleng ngiti gagaan ang lahat. Kakayanin natin ang lahat hanggat kaya nating ngumiti. Di alintana sa mga mukha ng mga taga Pinamalayan, Mindoro ang bagyo ng kahapon. Kaya nilang ngumiti. Kayang kaya mo din,” sabi ni Vice sa post.

Ani Vice sa ABS-CBN report, sumakay siya ng chopper para makarating sa Pinamalayan.

Ayon sa ulat, lima katao ang namatay sa lalawigan sa hagupit ni “Tisoy”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?