74

By

Vice Ganda na-depress noon dahil sa ‘Zsazsa Zaturnnah’

Kanya-kanyang hugot sina Vice Ganda at Mariel Padilla habang inaalala ang pagka-reject nila noon sa audition.

Pag-amin ni Vice, na-depress siya nang hindi makuha sa lead role ng pelikula habang si Mariel naman ay hindi napabilang sa teleserye ni Jericho Rosales.

“Alam mo yung pelikulang Zsazsa Zaturnnah? Nag audition ako diyan. Lahat ng stand-up comedian sa buong Pilipinas nag audition. Hindi ako nakuha… Tapos sobra akong na-depress. Sabi ko, ba’t hindi ako nakuha? Ang nakuha si Chokoleit… Sa semi pa lang, wala na ako…” sabi ni Vice.

Dahil sa isiniwalat ni Vice, nagtsika na rin si Mariel na hindi rin siya pinalad noon sa “Panday” ni Jericho.

“Ako nag audition din. Doon sa soap ni Jericho… Yung ‘Panday.’ Hindi ako nakuha tapos hindi rin ako nagkaroon ng solo show ko. Pero naging host naman ako… Pero nag audition talaga ako, solo audition. Ako lang, lahat nandoon. Si Mr. M, lahat ng mga bossing nandoon. Si Jericho mismo nandoon. Sobrang nagsisimula pa lang ako noon,” ani Mariel.

Napag-usapan ang hindi pagkakatanggap sa dalawa dahil kinukumbinsi nila ang isang contestant na hindi dapat mawalan ng pag-asa kapag natatalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?