242

Feb 25, 2020 @ 19:41
By

Vice Ganda: May asawa na si Sir Carlo Katigbak!

Kailangang maghinay-hinay ng mga nagkakagusto kay ABS-CBN President at CEO Carl Katigbak.

Ito’y dahil taken na umano ang kanilang boss, ayon sa Unkabogable star na si Vice Ganda.

“Maraming salamat po sa suporta at pagmamahal nyo mga Kapamilya!” sey sa tweet ni Vice. “Di po namin gustong saktan ang mga puso nyo pero OPO MAY ASAWA NA PO SI SIR CARLO KATIGBAK!”


Dumami ang humanga sa ABS-CBN top executive sa pagsalang nito sa Senate hearing kaugnay ng franchise renewal ng Kapamilya network.

Bukod sa magandang lalaki ito, marami rin ang nahulog sa katalinuhan at pagiging kalmado ng ABS-CBN president sa kabila ng mga suliranin na kinakaharap ng kanilang network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?