186

By

Vice Ganda dedma sa nega

Parang hindi naman matapos-tapos ang ginagawang issue ng iba sa Fantastica filmfest entry nina Vice Ganda, Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Bela Padilla, Maymay Entrata, Edward Barber, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Jaclyn Jose at iba pa.

May sinasabi pang silent boycott sa pelikula, pero hindi naman effective ‘yon dahil lalo pa silang lumalakas sa takilya, huh! Hindi nga maikakailang sila talaga ang nangunguna sa takilya, huh!

Si Vice naman, mukhang ayaw na ring patulan ang mga ganoong issue dahil mas maganda nga naman ‘yung puro lang sila positive vibes, ‘noh?!

Saka siyempre, ang gusto naman talaga ng mga taga-Fantastica ay ang mapasaya ang mga tao ngayong Kapaskuhan kaya nga ginawa nila ang pelikulang ‘yon at tagumpay naman dahil masaya ang mga taong nakapanood na ng kanilang pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?