110

By

Vice, Anne, Vhong tulong-tulong sa ‘Just Love Araw-Araw’ SID

Puno pa rin ng mensahe ng pag-ibig at inspirasyon ang Just Love Araw-Araw Summer Station ID ng ABS-CBN na tampok ang 30 Kapamilya artists sa pangunguna nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, at Vhong Navarro ng It’s Showtime, kasama ang Singer 2018 contender na si KZ Tandingan, at ang The Voice PH coach na si Bamboo.

Maririnig na ang bagong awitin sa tag-araw ng buong bansa sa Sabado (April 7) sa pagsasapubliko ng Kapamilya Network sa opisyal na lyric video para dito sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Samantala, mapapanood naman ang ng aktwal na Station ID sa Abril 14 sa It’s Showtime.

Hinihimok ng Just Love Araw Araw Summer Station ID ang mga Pilipino na ipakita ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagkalinga o paglingkod sa kanilang pamilya, mga kaibigan, komunidad, at buong bansa.

Ilan pa sa nagbigay-buhay sa bagong summer anthem ng bayan sina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Amy Perez, Rey Valera, Nyoy Volante, Mitoy Yonting, Yeng Constantino, K Brosas, Erik Santos, Jaya, Jed Madela, Louie Ocampo, Ogie Alcasid, at Rico J. Puno, TNT grand finalists na sina Remy Luntayao, Anton Antenorcruz, Tuko Delos Reyes, Sofronio Vasquez, Alfred Relatado, at Jovany Satera, maging ang mga Ms. Q and A’s finalists na sina Juliana Parizcova Segovia, Matrica Matmat Centino, at Rhian Rianne Azares.

Isinulat ang Just Love Araw-Araw ni ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) head Robert Labayen kasama si Lloyd Oliver ‘Tiny’ Corpuz at Paolo Ramos ng CCM. Ang musika naman ay gawa nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, at may dagdag na himig mula kay Jimmy Antiporda.

Magaganap ang launch ng lyric video para sa Just Love Araw-Araw Summer Station ID ngayong Sabado (Abril 7) sa ABS-CBN Entertainment Youtube channel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?