362

By

Vic Sotto-Vice Ganda tandem posible ba sa MMFF? Eat Bulaga host sumagot

Madalas maglaban sa takilya ang mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto tuwing Metro Manila Film Fest.

Kaya’t kung magkaroon ng tsansang magsama ang dalawa, paniguradong pipilahan ito ng masa dahil sa kakaibang karisma ng dalawang actor.

Kung noong nakaraang taon ay nakasama ni Vic ang Kapamilya actor at tropa ni Vice na si Coco Martin para sa “Jack Em Popoy: The Puliscredibles”, pwede naman kayang magsama sa iisang pelikula ang dalawang bigating noontime host?

“Bakit hindi? Wala namang imposible,” sey ni Vic.

“Ako naman I would like to believe na kaibigan ko lahat. Wala akong kaaway eh, ayokong may kaaway. Siguro kasabay sa pelikula pero it’s not necessary na kaaway ko na ‘yun,” aniya pa.

Sa Disyembre 25 ay muling papatawanin ni Sotto ang mga bata at kids at heart sa “Mission Unstapabol: The Don Identity” na official entry sa MMFF 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?