600

By

Vic sa pagkapanalo ni Vico: Pag nagsalita siya, ramdam mong galing sa puso

Tiwala umano si Vic Sotto na magagampanan ng kaniyang anak na si Vico ang pagiging alkalde ng Pasig City.

Sa panayam kay Vic sa ABS-CBN, sinabi nitong suportado niya ang anak at nasa tabi siya nito para mas palakasin pa ang loob nito.

Aniya, sa kabila na naiproklama na si Vico bilang mayor-elect, hindi pa nagsi-sink in sa kaniya ito.

Posible umanong pagdating pa ng Hulyo kung kailan ang inauguration ay doon pa lang niya magre-realize na may anak na siyang mayor.

Si Vico ang tumapos sa tatlong dekadang pamumuno ng mga Eusebio sa nabanggit na lungsod.

Nang matanong ang komedyante kung ano sa tingin nito ang nakita ng mga tao para iboto si Vico, sa palagay niya’y nakita ng publiko ang integridad ng anak nila ni Connie Reyes.

“Ang tiningnan ng tao, ‘yung integridad niya. ‘Pag nagsalita siya kasi, ramdam mo na nanggagaling sa puso niya, hindi ‘yung generic, motherhood statements… Totoo ‘yung sinasabi, hindi dahil campaign period,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?