195

Jun 30, 2020 @ 16:26
By

Vic, Pauleen nag-showdown sa TikTok

Certified TikTokers na ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto.

Napa-TikTok nga ni Poleng ang mister na si Vic na kilalang mahiyain at pribadong tao.

Nagpatalbugan ang dalawa sa pagsayaw sa TikTok ng sikat na “Marikit” song ni Juan Caoile feat Kyle.

“Poleng vs Bossing Marikit showdown,” caption ni Pauleen sa magkatabing TikTok videos nila ni Vic sa Facebook.

Patok ito sa mga netizen, na mayroon nang halos 9,000 reactions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?