191

By

‘Viagra’ para sa kababaihan, aprubado na ng FDA

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang gamot na makakatulong sa mga kababaihan na tumaas ang sex drive na tatagal ng ilang oras.

Maaari umanongiturok ang Vyleesi sa binti o sa tiyan na nakakapagpataas ng interes sa sex.

Ang Vyleesi umano, na chemically known na bremelanotide, ang mag-a-activate sa brain na involved sa sexual desire, na ginawa ng Palatin Technologies at lisensiyado sa Amag Pharmaceuticals.

Available na umano ito sa Amerika mula September sa mga piling pharmacies.

Ito ang ikalawang gamot na inaprubahan para sa sexual desire ng kababaihan matapos ang blockbuster success ng Viagra sa mga kalalakihan noong 1990s.

Nauna nang inilunsad para sa kababaihan noong 2015 ang Addyi, isang once-daily pill.

Ayon kay UMass Memorial Medical Center reproductive specialist Dr. Julia Johnson, ang maganda aniya sa Vyleesi ay gagamitin lang ito ng kababaihan kapag kinakailangan pero ang downside lang ay itinuturok ito kaya ang iba aniya ay naduduwag gumamit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?