92

By

Veteran journalist Twink Macaraig, pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang beteranang mamamahayag na si Twink Macaraig matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa cancer.

Ito’y kinumpirma ng kanyang mother network na TV5 nitong Martes.

Si Macaraig ay nagsilbing anchor sa TV5 at ABS-CBN, habang nagturo din sa University of the Philippines Diliman sa College of Mass Communication.

Ilang kasamahan sa industriya tulad ni Ces Oreña-Drilon at dating Supreme Court spokesman Theodore Te ang nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Macaraig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?