47,801

By

Veteran journalist Cesar Apolinario, pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang batikang journalist na si Cesar Apolinario. Siya ay 46-anyos.

Ito’y kinumpirma ng dati niyang kasamahan sa GMA-7 na si Steve Dailisan.

“Rest in PEACE, mentor and colleague @CesarApolinario. No more pain just LOVE and lasting happiness in the arms of God,” ayon sa tweet ni Dailisan.

Sa Facebook post naman ng entertainment journalist na si Mell Navarro, sinabi na nasa kritikal na kondisyon na si Apolinario noong Miyerkoles, Disyembre 11.

“Direk Cesar Apolinario has peacefully joined our Creator. According to his close friends, he’s been critical since last Wednesday, December 11,” ayon kay Navarro.

Bukod sa pagiging reporter at documentary producer sa GMA, pinasok din ni Apolinario ang pagdidirek ng ilang pelikula tulad ng ‘Banal’, ‘Estasyon’, ‘Puntod’ at ‘Dance of the Steel Bars’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?