920

By

Venice Bektas todo papayat, type maging beauty queen

Speaking of pagpapapayat, ang bunso ni Ruffa Gutierrez na si Venice Bektas ay 14 years old na noong September 11 at marami ang nakakapansin na malaki na rin ang iniliit nito.

Sabi ni Ruffa, serious daw si Venice sa kanyang diet and exercise. Pero no pressure raw siyang ibinibigay sa anak.

Pero napansin nga raw ni Ruffa na serious si Venice na makapagbawas ng timbang.

Sa nakikita ko rin, malaki-laki na ang ipinayat ng bunso ni Ruffa at lalong lumabas ang kanyang ganda, huh!

Feeling ko, hindi lang si Lorin ang susunod sa mga yapak ni Ruffa bilang isang beauty queen dahil puwedeng-puwede rin si Venice sa ganitong larangan, huh!

Sabi naman ni Ruffa, hindi niya sinasaklawan kung ano ang gusto ng mga anak.

As long as makapagtapos ang mga ito ng pag-aaral, hindi raw niya ito pipigilan if gustong maging beauty queen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?