98
Velasco: Mga proyekto ni Duterte naudlot dahil sa bangayan ng Kamara at Senado

Velasco: Mga proyekto ni Duterte naudlot dahil sa bangayan ng Kamara at Senado

JOHN CARLO M. CAHINHINAN

MANILA – Isinisi ni House committee on energy chairman at Marindique Rep. Lord Allan Velasco ang pagkakaudlot ng mga malalaking proyekto ng Administrasyong Duterte sa bangayan ng mga lider ng Kamara at Senado.

Ginawa ni Velasco ang pahayag kasabay ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang kabuuan ng panukalang P3.757-trilyong Pambansang Budget para sa taong kasalukuyan dahil umano sa mga samu’t saring iregularidad na nakapaloob dito na ginagatungan pa hanggang ngayon ng palitan ng akusasyon at ng mga maaanghang sa salita sa pagitan ng mga senador at kongresista.

“We’ve had enough bickering in Congress,” paliwanag ni Velasco.

Ayon kay Velasco, panay patutsadahan pa rin ang mga pinuno ng dalawang kapulungan ng Kongreso nitong mga nagdaang linggo tungkol sa umano’y mga post-bicam realignment at mga tinapyas ng pondo sa mga distrito at ahensya bagamat iniakyat na sa Malacañang ang bicameral conference committee report ng panukalang 2019 General Appropriations Act (GAA).

“Key legislation have been pushed back because of intramurals in the bigger chamber, and sometimes with its counterparts in the Senate,” dagdag pa ng mambabatas.

Paliwanag pa ng Kongresista, ang kailangan ngayon ng punong ehekutibo ay isang pinuno ng Kamara na tunay niyang kaalyado at magsusulong ng kanya mga legislative agenda sa nalalabing tatlong taon niya sa termino.

“The next speaker of the House of Representatives must take the lead in supporting the legislative agenda of President Rodrigo Duterte in the next three years to ensure the success of the administration’s programs for the Filipino people,” paliwanag ni Velasco.

Dagdag pa ni Velasco, dapat din umanong walang hidden agenda ang susunod na Speaker ng Mababang Kapulungan upang maisakatuparan ang mga priority legislation ng Administrasyong Duterte.

Si Velasco ay isa sa mga napipisil ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte upang pumalit kay dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa darating na Hulyo subalit napaka pre-mature pa umano pag-usapan kung sino ang papalit kay Ginang Arroyo na nakatakda ng mag-retiro pagkatapos ng halalan sa Mayo.

“Any discussion on the speakership is premature… dapat manalo muna ang lahat o karamihan ng alyado ng Pangulo para masiguro na solid ang suporta sa mga programa ng gobyerno,” paliwanag ni Velasco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?