35
Vargas, Picson, 2 pa dadalo sa PSA Forum
By ,

Vargas, Picson, 2 pa dadalo sa PSA Forum

Bibisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum si Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas Martes sa Amelie Hotel sa Malate, Maynila.

Makakasama ni Vargas sa weekly-session na ito ang secretary-general ng Alliances of Boxing Association in the Philippines (ABAP) na si Ed Picson.

Inaasahan na tatalakayin ng dalawa ang pag-eensayo ng mga atleta at paghahanda na ginagawa ng Olympic governing body ng bansa tungkol sa pagho-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games ngayong taon.

Kasama rin sa 10:30am public sports program sina POC chairman Abraham ‘Bambol’ Tolentino at ang POC secretary-general Patrick Gregorio.

Matapos ang forum, si Vargas ang magi-induct ng mga bagong halal na officers ng PSA ng pangunguna ni president Tito S. Talao ng Manila Bulletin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?