24

By

Vanessa Hudgens, Austin Butler hiwalay na

Hiwalay na ang Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens sa almost 9-year boyfriend niyang si Austin Butler.

“Vanessa and Austin are officially broken up, and Vanessa has been telling those close to her about their breakup,” ayon sa source ng US Weekly.

Hindi namataang magkasama ang dalawa noong Kapaskuhan, kaya nagsimulang kumalat ang kontrobersiya ng hiwalayan.

Huling nagpost si Vanessa nang magkasama sila noong Halloween, kasama ang couple dog nila na si Darla.

Hulyo 2019 naman huling nag-post si Austin kasama si Vanessa, noong movie premiere ng ginanapan niyang pelikula, “Once Upon a Time in Hollywood.”

Nagkakilala ang dalawa sa set ng High School Musical (HSM) at nagsimulang mag-date noong Setyembre 2011.

Bago ito, naging dyowa ng Fil-Am actress ang kanyang HSM co-star na si Zac Efron mula 2005 hanggang 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?