332
kidnap
By

Van sa Makati nang-kidnap ng Chinese – pulis

Kinumpirma ngayong Martes ng Makati police ang pangki-kidnap ng tatlong Tsino sa isang babaeng Chinese sa Paseo de Roxas Avenue, Lunes ng gabi.

Ayon kay Makati Police Chief Col. Rogelio Simon, base sa salaysay ng mga saksi, sumakay malapit sa Greenbelt 1, bandang Paseo de Roxas corner Nieva Street, ang biktima sa isang Kia Carnival van na may plakang LLA 880 o LSA 880, bandang alas-nuwebe ng gabi, Disyembre 9.

Pumasok din umano ang dalawang suspek sa van, at matapos ang ilang minuto ay nagpumiglas ang babae at sinubukang lumabas sa sasakyan at nagsisigaw ng
“tulong” sa wikang Mandarin, ayon pa sa mga saksi.

Maririnig ang sigaw ng biktima habang nagmadaling umalis ang van, sa video na nakuhaan ng mga saksi.

Kinumpirma ng pulisya na kidnapping ang naganap at sinabi ni Makati Police Investigation Unit Chief Maj. Gideon Ines Jr. na sinimulan na nila ang imbestigasyon ukol sa insidente.

Sinabi rin ni Ines na natagpuan nila sa kanilang ocular inspection sa pinangyarihan ang mga dokumento na nalaglag o iniwan umano ng biktima, kabilang na ang vehicle deed of sale at mga photocopy ng mga passport ng mga Chinese national.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?