38

Mar 30, 2020 @ 23:34
By

Van Gogh painting ninakaw sa Netherlands

Sinarado man ang isang museum sa Netherlands, dahil sa pag-iingat na kumalat ang coronavirus, ninakaw naman ang isa sa painting ni Vincent van Gogh.

Nakuha ng mga magnanakaw ang ‘Spring Garden’ ng tanyag na artist, Lunes ng madaling-umaga, ayon sa inisyal na ulat.

Hindi pa matukoy ang halaga ng ninakaw na artwork na naka-loan mula sa Groninger Museum, sa Groningen City.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.

Bago ang pagsasara, nagsagawa pa ng exhibition ang museum na pinamagatang ‘Mirror of the Soul’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?