86

By

Valdez, mga ex-UAAP star nagbunyi sa kampeonato ng Ateneo

16-0 – ‘yan na ang numerong nakakabit sa Ateneo matapos maging ikapitong koponan na nagkaroon ng unbeaten run sa UAAP history.

Ngayong UAAP Season 82, walang nakahanap ng weak spot sa tropang binuo ni coach Tab Baldwin, at matagumpay na muling naiuwi sa Katipunan ang tropeo.

Tinanghal na Finals MVP si Thirdy Ravena, sinundan ang 32-point performance noong Game 1 ng 17 points sa kanilang title-clinching game para itarak ang 86-79 win kontra UST.

Sa Twitter ay bumuhos ang papuri para kay Thirdy, kabilang na dito si Alyssa Valdez, ang girlfriend ng kanyang kapatid na si Kiefer.


Ilan pang mga dating UAAP star ang nagbunyi sa muling paghahari ng Ateneo sa collegiate men’s basketball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?