79

By

Valdez, Creamline kumatok sa finals

Lumapit sa finals ang Creamline Cool Smashers matapos isalya sa first game ng best-of-three semifinals ang Pacific Town Army Lady Troopers 26-24, 25-21, 23-25, 25-20 sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.

Nagtulong sina Thai import Kuttika Kaewpin at local star Alyssa Valdez sa paghambalos sa Lady troopers at kumatok sa inaasam na championship slot.

Tumapos si Kaewpin ng 21 puntos habang may 12 points ang team captain na si Valdez.

“In the semifinals we know Army won’t just give it away and hindi naman nila madali ibibigay ‘yun sa amin. I gues Army did their job also playing well in this game, in the first game of semifinals,” pahayag ni Valdez.

“Kami naman as a team, I think hindi kami pwede kumurap lalo na sa veteran team like Army. Kasi they’re very smart, intellegent sila pagdating sa kung paano sila maglalaro. They know when to, alam nila kung paano i-place ‘yung selves nila. Kami naman mga medyo nakakabata rin kailangan mas smart din kami kapag nakakalaban yung mga veteran.”

Pasabog rin si import Aleoscar Blanco ng 19 markers para sa Creamline.

Magaganap ang Game 2 sa pagitan ng dalawang koponan sa Sabado sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?