16

V ng BTS record-breaker sa Instagram

May binasag na namang record on Instagram si V o Kim Taehyung na vocalist ng K-pop boy group BTS.

Siya kasi ang unang lalaking Korean artist na umani ng higit tatlong milyong likes sa apat na Instagram posts.

Siya rin ang unang lalaking Korean artist na may higit 3 milyong likes ang dalawang larawan ngayong 2020.

Si V lang din ang tanging miyembro na may solo picture sa 2019 most liked photos ng BTS sa Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?