120

By

V ng BTS nakisimpatya sa mga apektado ng Taal Volcano eruption

Panalangin ni Kim Tae-hyung ng K-pop group BTS, wala na sanang masaktan pang indibidwal sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ito ang tugon ni V sa post ng isang fan sa Weverse kung saan humingi ito ng tulong para sa mga Pinoy fan ng BTS o Philippine ARMYs.


“My heart really aches these days. I hope no one gets hurt and that nature doesn’t hurt any more people. Please. Really πŸ™πŸ»,” sabi ng K-pop idol sa wikang Korean.

Dahil dito, mamamahagi ang mga Pinoy “Taehger” ng face mask at tubig sa ilang apektadong lugar.


Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Bulkang Taal kahit humina ang lava fountain nito mula kagabi, Enero 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay naman sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 30,423 na indibiduwal o 6,891 na pamilya mula sa Cavite at Batangas ang apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng naturang bulkan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?