80

By

UVC ekis na sa PSL All-Filipino Conference

Nabuwag para sa nalalapit na Philippine Superliga All-Filipino Conference 2019 ang koponon ng United Volleyball Club ilang araw bago magsimula ang torneo sa Hunyo 15.

Nagsilipatan na rin ang mga kilalang manlalaro ng koponan kagaya nina Filipino-Hawaiian Kalei Mau at Amy Ahomiro.

Ayon sa balita, lilipat si Mau sa powerhouse team na F2 Logistics Cargo Movers kung saan makakasama nito sina Aby Maraño, Ara Galang at Kianna Dy.

Samantala, tutungo naman si Ahomiro sa Sta. Lucia Lady Realtors kung saan makakasama nito ang kanyang Ateneo teammate na si Jho Maraguinot at bagong Filipino-American libero na si Alex Bollier.

Kahit pa nabuwag na ang UVC, mananatili pa ring walo ang bilang ng mga teams sa pag-debut ng bagong koponan na Marinerang Pilipina.

Magsisimula ang PSL sa Sabado sa FilOil Flying V Centre na magsisimula alas-12:30 ng tanghali para sa opening ceremonies ng torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?