264
Pulis ninakawan ng baril, ginulpi ng 2 holdaper
By

Utol ng dating konsehal, niratrat sa Bacolod

Tinambangan ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem suspect ang isang negosyanteng kapatid ng dating konsehal ng Bacolod, Linggo ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Roberto ‘Kaisek’ Lo Tan, nakatatandang kapatid ni dating Bacolod councilor Ricardo ‘Cano’ Tan.

Ayon sa report ng Bacolod City Police Office (BCPO), naganap ang pamamaril bandang alas-9:45 Linggo ng umaga habang sakay ng kanyang Nissan Sentra car ang biktima nang lapitan ng riding-in-tandem at barilin ng angkas nito habang nasa kahabaan ng CL Montelibano Ave., Greensville 1 subdivision, Barangay Estefania, Bacolod City.

Nag-overtake umano ang motorsiklo ng mga suspek at anim na beses na nagpaputok ng baril hanggang sa makitang patay ang biktima.

Hindi naman naabutan ng mga nagrespondeng pulis ng Station 4 ang mga suspek na papatakas patungong kanluran.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Negros Occidental Police Provincial Office para matukoy ang mga suspek at ang motibo ng pamamaril.

Matatandaang, tinambangan din ang konsehal na si Ricardo “Cano” Tan noong nakaraang taon kasama ang kanyang asawa at kapwa naman nakaligtas sa pamamaril.

Nabatid na ang magkapatid na Tan ay kilalang may kaugnayan sa illegal drugs trade sa Negros Occidental province.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?