279
Utang ng Pinas sa China, katiting lang – Finance chief
By

Utang ng Pinas sa China, katiting lang – Finance chief

Pinawi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pag-aalala na lubog na sa utang sa China ang Pilipinas.

Paliwanag ni Dominguez, ang utang umano ng bansa sa China ay nasa isang porsiyento lang ng kabuuang utang ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Sa pagtatapos umano ng termino ni Pangulong President Rodrigo Duterte ay mas marami pang maiiwan na utang ang Pilipinas mula sa iba-iba pang bansa kumpara sa China.

Hindi umano niya alam kung bakit sinasabi ng mga tao na malulunod na sa utang sa China ang Pilipinas.

Sa pagtatapos umano ng 2022 kung ang lahat ng proyekto ng bansa ay iuutang sa China, papalo lang umano ito sa 4.5 porsiyento sa kabuuang utang ng bansa habang nasa 9.5% naman sa Japan.

Ang mahalaga umano sa pangungutang ay masiguro na mapupunta ito sa mga proyekto na magbabalik naman ng mas mataas na kita sa bansa kumpara sa naiutang, na siya umano nilang ginagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?