110
UST sasandal kay Galanza vs Ateneo
By

UST sasandal kay Galanza vs Ateneo

Standings W L
Ateneo 6 1
DLSU 5 2
UST 5 2
FEU 4 3
UP 4 3
NU 2 5
Adamson 1 6
UE 1 6

Mga laro sa Miyerkoles/Marso 20:

(FilOil Flying V Centre/ San Juan)
2:00pm – UE vs NU
4:00pm – Ateneo vs UST

‘A’ game ang ihaharap ng University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses sa nangungunang Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles sa pagsisimula ng second round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Pipiliting patiklupin ng UST ang Ateneo sa main game bandang alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng UE at NU sa first game sa alas-dos.

Wagi ang Espanya-based volleybelles laban sa UE Lady Warriors noong Marso 17, 25-18, 25-14, 25-20.

Ayon kay UST head coach Kungfu Reyes, malaking role ang gagampanan ni setter Mafe Galanza.

“Nilalagay niya ‘yung most comfortable position ng spiker, para makapalo ng maayos. So ‘yun ang pinakamagandang trabaho ng setter, nilalagay niya sa pinakamataas na percentage ang spiker niya para umatake. Nasa kanya ‘yung criteria eh,” sabi ni Reyes.

“Sa definition ng setter, siya na ‘yun, si MaFe na,” giit pa ni Reyes.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pamiminsala ng Ateneo Lady Eagles nang masungkit nito ang pang-anim na panalo noong Marso 16 laban sa Lady Bulldogs 23-25, 25-17, 25-23, 25-17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?