55

By

UST grad nanguna sa physician licensure exams

Naungusan ng isang graduate mula sa University of Santo Tomas (UST) ang lampas 4,000 na kumuha ng 2019 Physician licensure exams nitong Setyembre.

Sa 4,716 na kumuha ng exam, nasa 4,006 ang ang pumasa sa nasabing exams.

Si Federico Adriano Peralta IV ang naging topnotcher sa kanyang batch, 90.92 percent ang nakuhang marka.

Ilan pa sa nakasama sa Top 5 board passers ay sina: Ray Zanoria Perez II ng Cebu Institute Of Medicine (90.33%); Rowel Calvin Castro Razon ng Angeles University Foundation (90.25%); Judea Galang Gonzales ng Angeles University Foundation (89.75%); Vien Christian Lim Lansangan ng Far Eastern University-Nicanor Reyes Medical Foundation (89.75%); Joseph Alexander Dela Cruz Paguio ng University Of The Philippines-Manila (89.75%).

Makikita sa link sa ibaba buong listahan ng mga nakapasa sa board exams:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?