477

By

UST captain Cansino: SEA Games parang ligang barangay lang!

Hindi tinago ni UST men’s basketball team captain CJ Cansino ang kanyang pagkadismaya sa pag-host ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games.

Sinagot ni Cansino ang mga tanong mula sa fan sa Twitter.

Nang matanong ang prolific guard tungkol sa SEA Games, sinabi nito na parang pangbaranggay lang ang nasabing regional meet.

Ito’y kasunod ng magkabilang aberya na dinanas sa SEA Games mula sa problema sa hotel accommodation ng mga foreign athlete at iba pang hindi tapos na venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?