58

By

UST bibinyagan sa Superliga

Pahahabain ng two-time defending champion­ Foton ang winning streak sa apat, makikilatis naman ngayong araw ang UST sa Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix.

Malinis sa tatlong panalo, haharapin ng Tornadoes ang Iriga City sa unang laro sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Habang katapat ng guest team Tigresses ang Cocolife sa pangalawang laro.

Unang salang ng UST sa event na mga suportado ng Cignal, Mikasa, Senoh, Mueller­, Grand Sport, Rebisco, Island Rose, Cloudfone, UCPB Gen, Asics at official broadcast partner ESPN5.

Sasandalan ng Tornadoes sina Serbian spike­r Sara Klisura at Montenegrin Dragana Perunicnic kasama ang isa pang Serbian Katarina Vukomanovic.

Sa huling laban ay pinagulong ng Tornadoes ang Generika-Ayala, 25-22, 25-22, 25-16 sa Spike on Tour sa Bacolod City.

“This is a very tough tournament. All imports are impressive and your local players have improved,” saad ni Foton coach Moro Branislav, na huhugot din ng puwersa kina Jaja Santiago, Maika Ortiz, EJ Laure at playmaker Ivy Perez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?