363

By

US visa ni Bato kinansela: Duterte nagalit, nagbantang ibabasura ang VFA

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kakanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika kapag hindi inayos ang kinanselang visa ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ang babala ay ginawa ng Pangulo sa distribusyon ng mga benepisyo sa mga nagbalik-loob na mga miyembro ng New People’s Army sa San Isidro, Leyte nitong Huwebes ng gabi.

Binigyan ni Pangulong Duterte ng isang buwan ang Estados Unidos para ayusin ang isyu kung ayaw ng mga ito na makansela ang VFA.

Hindi naitago ng Presidente ang galit dahil binabastos aniya ng Amerika ang Pilipinas at hinihiya ang kanyang mga sundalo at pulis.

“Tapusin ko ‘yang p*** i** ‘yan… I’m giving notice, and they begin to count. I’m giving government and the American government one month from now, pahawao nako sila sa ilang visiting forces agreement. No more bases. They have to start to talk to us because they have… bastos eh, kahiyaan ko ‘yan, kahiyaan ko ‘yan sa militar. Biro mo ang isang sundalong nagtatrabaho tapos ganunin nila. They are putting them into humiliation sa mga pulis at sundalo,” anang Pangulo.

Binanatan din ng Presidente ang mga Amerikanong senador na bumoto sa resolusyon para igiit na palayain si Senadora Leila de Lima at huwag papasukin sa Amerika ang Philippine officials na may kinalaman sa pagpapakulong sa senadora.

Bukod aniya kina Senators Dick Durbin at Partick Leahy, sinabi ng Pangulo na hindi rin niya papapasukin sa Pilipinas ang lima pang senador na bumoto sa resolusyon.

“Adtong mga senador na nagboto sa resolusyon dito sa committee level, dili nako pasudlon sa Pilipinas in addition to Senator Dublin and si Leche (Leahy), letseng yawa. Nganing gagong Amerikano, gago, gago, torpe. Pito silang naniwala kay De Lima. How can you do that? Dumaan sa process ng korte ang kasong droga nito,” dagdag ng Pangulo.

Iginiit ng Presidente na si De Lima ay sangkot sa isyu ng droga dahil tumanggap ito ng drug money na ginamit sa pagtakbo sa pagka-senador at ito ang hindi alam ng mga Amerikanong senador.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na malalim ang hinanakit niya sa mga Amerikano dahil sa ginawang pag-massacre noon sa mga Pilipino kabilang na ang mga bata at mga babae sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?