97

Oct 2, 2019 @ 15:46
By

US visa ng ‘Manila drug queen’ kinansela na – DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na kinansela ang US visa ng dating barangay chairwoman na si Guia Gomez Castro na inakusahang drug queen ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay DOJ spokemsan at Usec. Markk Perete, nakatanggap na sila ng impormasyon sa kahilingan na rin ng DOJ, pinagbigyan na mapawalang-bisa ang US visa ni Castro.

Nakikipagtulungan na din aniya ang Bureau of Immigration sa kanilang counterpart sa US immigration para mapatupad na ang deportasyon ni Castro pabalik ng Pilipinas.

“Upon the request of the Department of Justice, the US visa granted to alleged drug queen Guia Castro has been cancelled. The BI is now working with US immigration authorities to effect her deportation to the Philippines,” ayon kay Perete.

Nauna nang naglabas ng immigration look-out bulletin order ang DOJ kay Castro, kasabay ng paghingi ng tulong sa Intepol, sa pamamagitan ng BI, at NBI para i-monitor ang kilos ni Castro habang siya ay nasa labas ng bansa.

Sinasabing may tatlong standing warrant of arrest si Castro kabilang na ang kasong may kinalaman sa droga at bouncing check.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?