48
161 mga sumukong convict muling palalayain
By

US tinutugis na ang tinaguriang ‘Manila drug queen’

Tinutugis na ng United States (US) Homeland Security ang diumano’y “Manila drug queen” na si Guia Gomez-Castro.

Ito ang tiniyak ni Department of Justice (DOJ) Spokesman Undersecretary Markk Perete.

Aniya, nagsasagawa na ang naturang security para mahanap ang kinalalagyan ni Guia at ma-deport pabalik sa Pilipinas.

“Meanwhile, the US Homeland Security has already commenced efforts to locate her as a preliminary step to her deportation,” ayon kay Perete.

Nitong mga nakaraang linggo, sinabi ni Perete na tinanggap na ng US government ang kahilingan ng DOJ na ikansela ang visa ni Castro.

Ayon naman sa Bureau of Immigration si Castro ay nagawang makalabas ng Pilipinas nitong Setyembre 21, 2019 sa kabila ng iba’t ibang kasong kinahaharap sa iba’t-ibang korte.

Si Castro ay isang elected barangay chairwoman sa Sampaloc, Manila na kinilala ng Philippine National Police na sangkot umano sa rogue policemen o ninja cops” na nare-recycle umano ng mga iligal na droga na nakumpiska mula sa iba’t ibang operasyon.

Siya rin ang hinihinalang utak sa pagpatay sa sinasabing “ninja cop” na si Patrolman Roderick Valenzia dahil sa kabiguan nitong mag-remit ng kanyang mga nabentang illegal drug.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?