53

Jun 26, 2018 @ 15:01
By

US senator nabali ang tadyang nang sagipin matapos mabulunan

Nagkaroon umano ng bali sa kanyang tadyang si US Senator Claire McCaskill matapos siyang sagipin ng kapwa mambabatas nang makita itong nabubulunan.

Isinagawa ni Senator Joe Manchin ang Heimlich maneuver kay McCaskill sa ginanap na luncheon ng Senate Democrats noong Huwebes.

Sa kabila ng natamong pinsala, pinasalamatan pa rin ni McCaskill si Manchin sa Twitter.

“My thanks to @Sen_JoeManchin. And a sore rib for a few weeks is no big deal. I play hurt. The work goes on,” ani McCaskill.

Ayon sa Missouri senator, hindi siya yumakap sa mga tao sa pagdalo sa dinner sa St. Louis noong nakaraang linggo dahil nabali ang tadyang niya sa ginawa ni Manchin. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?