27
abante-tnt-vismin-kim-jong-un-donald-trump
By

US–NoKor meet, magpapakalma sa world market – DOF

Inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na kakalma ang mga merkado sa mundo kapag natuloy ang inaasahang pag uusap nina US President Donald Trump at North Korea leader Kim Jong Un ngayon buwan.

Ayon kay Dominguez ang pagkaligalig ng mga merkado ang dahilan kayat mataas ang presyo ng langis na nakaka-apekto dito sa Pilipinas.

Banggit pa ng kalihim sa pagdating mga inangkat na bigas, ang pagpasa ng Rice Tarrification Act, gayundin ang pamamahagi na ng cash subsidy sa mga mahihirap na pamilya ay makakatulong para bumaba ang presyo ng mga bilihin.

Sinabi pa ni Dominguez na kapag naipatupad na ang Rice Tarrification Act tinatayang matatapyasan ng hanggang P7 ang kada kilo ng bigas at magiging mababa na sa 4 percent ang inflation rate sa bansa.

Pagtitiyak pa nito na hindi nila binabalewala ang mataas na inflation rate sa bansa at may ginagawa ang gobyerno para maibsan ang epekto nito sa mas nakakaraming Filipino.

Pag-amin pa ng kalihim, mahirap ang posisyon ng gobyerno sa pagpapatayo ng mga karagdagang imprastraktura at pamumuhunan sa seguridad at kapayapan, ngunit tiwala sila na maganda ang maibubunga ng mga ito para sa kinabukasan ng bansa at ng mga Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?