359

Jan 25, 2020 @ 21:37
By

US Navy helicopter bumagsak sa karagatan ng ‘Pinas

Bumulusok sa Philippine sea ang isang helicopter ng United States Navy nitong Sabado ng hapon.

Na-rescue sa insidente ang limang crew ng MH-60 Seahawk helicopter ng USS Blue Ridge, ayon sa ulat ng Inquirer.

Nag-crash umano ang helicopter na sakay ang limang pasahero habang nagsasagawa ng routine operations ng alas-5:15 ng hapon.

Unang nasagip ang tatlong crew habang na-rescue ng Japan Air Self-Defense Force, Japan Maritime Self-Defense Force, Japanese Coast Guard, USS America, USS Blue Ridge at US Air Force ang dalawa pang nawalang pasahero.

Sa kasalukuyan ay ligtas na ang limang pasahero at inilipat sa isang ospital sa Okinawa, Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?