556

By

US Embassy sa Baghdad pinasabugan ng rockets

Tatlong rockets umano ang tumama sa US Embassy sa Baghdad nitong Linggo.

Ayon ito sa isang US official sa CNN, kung saan isang menor de edad ang sugatan.

Wala pa umanong tugon ang State Department kung may mga empleyado ng embahada na nasaktan sa insidente.

Hindi direktang sinisi ng State Department sa Tehran ang pang-aatake pero nananatili umano silang mapagmatyag dahil na rin sa tensiyon sa security situation sa lugar at banta ng Iranian-backed militias sa US.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?