9,824

By

US coaches John Altobelli, Christina Mauser pumanaw kasama si Kobe

Kasamang nasawi ni NBA legend Kobe Bryant sina women’s basketball coach Christina Mauser at baseball coach John Altobelli sa helicopter crash nitong Linggo (US time).

Sa siyam na nasawi, kabilang doon ang asawa (Keri) at anak (Alyssa) ni Altobelli, na naging coach nina Jeff McNeil at Aaron Judge.

Hindi makapaniwala si Judge, at nagluksa naman si McNeil sa pagpanaw ng “isa sa mga paborito niyang coach.”

Patungo sana sa basketball game ni Gianna, anak ni Kobe, sa Thousand Oak nang mag-crash sa Calabasas ang sinasakyang helicopter ng siyam na biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?