69
Urot ng mga netizen: Pacquiao magretiro na!
By

Urot ng mga netizen: Pacquiao magretiro na!

Muling nagbunyi ang sambayanang pilipino sa panalo ni “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao kay American boxer Keith Thurman para sa WBA welterweight crown nitong Linggo (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas.

Pero kahit nanalo, may ilang netizen ang nagsabing dapat na itong magretiro dahil halatang napagod ang 40-anyos na si natatanging eight-division champion sa mundo sa mga huling round ng bakbakan kay Thurman.

“Manny Pacquiao did a good job for a 40 year old. Would like to see him retire cos he was exhausted af v Thurman. #PacquiaovsThurman,” tweet ni Chekky (@buencaminion).

Ganito rin ang panawagan ni Rosemarie victoria (@rosemarie51754). “Congratulations po sir Manny Pacquiao. Sana po mag retire na ka sa pag bo boxing. Masaya kami pero dugo pawis at sakit naman ang inyong pinupuhunan. I enjoy mo na lang po ang family mo. Very proud ang buong Pilipinas sa inyo. God bless and thank you po #mannypaquiao #hero.”

Banat naman ni Mico (@miiikyut),“okay panalo na naman si pacquiao. Another reason not to retire at magkaron ulit ng laban kahit na dapat focus sya sa senate kasi senador sya.”

“Pacquiao seems to be an ageless Filipino boxer by winning and beating title holders. But in the Senate, I still consider him as a neophyte Senator. Level up your fight for the Filipinos, Sen,” hirit ni deo (@1DeOriginal).

Tweet pa ni Gab (@Seangabrieel), “pacquiao shouldve stayed inside the boxing ring hahahahaha funny how his supporters reason out that the reason they voted for him is bc “filipino pride” yeah right use your pride inside the senate deepshit hahahaha”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?