63
Upuan para sa mga kaliwete oobligahin na
By

Upuan para sa mga kaliwete oobligahin na

Aprub na sa committee level ng Senado ang panukalang batas na oobliga sa mga pampubliko at pribadong paaralan na magpagawa ng upuan para sa mga estudyanteng kaliwete o kaliwang kamay ang gamit sa pagsusulat.

Ito ay ang Senate Bill Number 2114 na inakda ni Senador Sonny Angara.

Sa ilalim nito, inaatasan ang lahat ng educational institution na maglaan para sa 10 porsyento ng kanilang mga mag-aaral ng mga armchair na pang-kaliwete.

Tugon ito sa pag-aaral na nagsabi na 10 porsyento ng populasyon ng buong mundo ang kaliwete.

Ikinunsidera rin dito ang lumitaw sa pag-aaral na apektado ang pag-intindi ng mga kaliwete at bumabagal ang pagsusulat kapag hindi akma ang kanilang upuan dahil sumasakit ang kanilang likod, batok at balikat.

“Left-handed students are thus placed at a learning handicap. Indeed, it is high time that we address the plight of our left handed students by providing left-handed armchairs,” sabi ni Angara sa paghahain ng panukala.

Ang panukala ay katugon ng House Bill No. 7109 na inihain ni Rep. Christina “Chique” Roa-Puno na pasado na rin sa committee level ng Kamara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?