286

By

Uploader ng mga ‘Bikoy’ video hahagilapin ng PNP

Hahantingin na ng Philippine National Police (PNP) ang nasa likod ng mga serye ng videos na nag-uugnay sa mga kapamilya at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sindikato ng droga.

Ani PNP chief General Oscar Albayalde, sa ngayon ay wala pang lumalapit na complainant sa kanila pero sila na umano ang magkukusa para matukoy ang uploader ng mga “Bikoy” video.

Dagdag pa ng hepe, wala siyang alam na grupo na ang mga miyembro ay may dragon tattoo dahil lahat naman ng mga lalaki ay karamihang dragon ang itina-tattoo na simbolo umano ng katapangan.

Nasa apat na episodes na ang inilabas ng hooded ma na si “Bikoy” sa mga videos na may pamagat na “Ang Totoong Narcolist”.

Sa naturang mga episode, idinawit na niya sa kalakaran ng droga sina dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, senatorial candidate Bong Go, Veronica Duterte at Manases Carpio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?