208

By

UP iiwan ni Desiderio nang nasa mabuting kamay

Masaya pa rin si University of the Philippines Fighting Maroons Paul Desiderio kahit na hindi nakuha ng kanilang tropa ang kampeonato.

Winalis ng Ateneo Blue Eagles ang serye nang talunin ang UP, 99-81, sa Finals ng men’s basketball ng UAAP Season 81, Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

“Sobrang happy ako kasi nga naka-abot kami ng championship, sayang lang ‘di namin nakuha ‘yung championship. Pero hopefully next year kasi ‘yun naman talaga ine-expect ng tao, next year,” wika ni Desiderio.

“Kasi dapat nilang malagpasan yung (ginawa) namin. So para sa amin, ‘yung next year ‘yung babawi sa amin.”

Ito na ang huling laro ni Desiderio para sa Fighting Maroons, para sa kanya ang maiiwan niya dito ay ang pag-uugali niya na hindi bumibigay agad.

Inamin din ni Desiderio na naisip niya na rin na umalis sa UP at lumipat sa ibang eskwelahan dahil na rin sa hindi magandang simula pero hindi niya binitiwan ang tropa hanggang makatungtong sa Finals.

“Kasi, ikaw player ka from Cebu, 0-14 ‘yung start niyo, ine-expect mo lilipat ka talaga ng school pero nag-pasensya lang ako. Tinitiis ko one win, kahit mukha kaming loko (sa) one win pero ‘pag graduate ko Finals,” dagdag nito.

Naniniwala rin siya na malaki ang pag-asa ng UP na muling makatungtong sa Finals at makasikwat na ng kampeonato sa pagpasok ng bago nilang recruit na sina Ricci Rivero at Kobe Paras.

“Napakalaking pressure sa kanila, pero kaya naman nila. Kobe (Paras), Ricci (Rivero), ‘yung papalit sa amin, tingin ko kaya ng mag-champion next year,” sabi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?