314

By

UP Fighting Maroons, dinagsa ng mga fan sa Iloilo

Hindi magkamayaw ang mga fan ng University of the Philippines men’s basketball team sa ginanap na campus tour ng kupunan sa Iloilo.

Present sina Juan at Javi Gomez de Liaño, Jun Manzo, Ricci Rivero, Kobe Paras at iba pa.

Nagkaroon ng meet and greet session ang Fighting Maroons noong sabado sa UP Visayas Auditorium at exhibition game sa Passi City Arena.

Nagkaroon din ng exhibition game ang kupunan sa University of San Carlos kontra sa piling collegiate players ng Iloilo, linggo ng umaga.

Taos-puso naman ang pasasalamat ng UP men’s basketball team sa kanilang kakaibang experience kasama ang mga Visayan iskolar ng bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?