35

By

Unigames Collegiate Grand Slam Cup didribol sa Oct. 19

Maghaharap-harap ang mga top collegiate volleyball team sa bansa para sa Unigames Collegiate Grand Slam Cup na gaganapin sa San Agustin campus gym sa Iloilo City.

Kabuuang 42 teams ang inaasahan na hahampas sa indoor volleyball tournament – 24 men’s at 18 women’s – sa torneong tatawaging ‘2nd Dominic Sytin Cup’ para i-honor ang namayapang CEO ng United Auctioneers Inc. at benefactor ng University of the Philippines Lady Maroons.

Magtatambal ang organizers at top officials ng Philippine Super Liga (PSL) at Unigames para sa Oct. 19 hanggang 27 tournament.

“Traditionally you will see mostly UAAP and NCAA teams like La Salle, UST, UP, NU, St. Benilde, Lyceum, and others coming over along with teams from the Visayas and Mindanao. Nationwide talaga yung participation dito,” saad ni PSL President Ian Laurel, na kasama rin si United Auctioneers Inc. President Rommel Sytin, sa pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Amelie Hotel-Manila.

Nagpapasalamat rin si Laurel kay Unigames President at Chairman of technical and games committee Roger Banzuela para sa partnership kasama ang PSL.

“It was enough for the biggest college volleyball league in the country to partner with the PSL. That alone gives us a great pride and joy to have that kind of partnership,” dagdag ng PSL official sa weekly session handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Bilang kapalit, magbibigay ang PSL sa mga competing teams ng equipment katulad ng nets at volleyballs.

Makakatanggap naman ang magiging kampeon sa torneo ng Dominic Sytin Perpetual Trophy.

“I want to thank the PSL and Unigames for recognizing the effort of my late brother, who’s also a staunch supporter of UP,” sabi ni Sytin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?